Maaaring mag-submit ng inyong concerns tungkol sa NSCR project sa pamamagitan ng text o website form. Panoorin ang video o sundan ang step-by-step instruction na ito:

  • I-type ang inyong impormasyon sa format na ito: buong pangalan/address na apektado ng proyekto/mensahe. Halimbawa: Juan Dela Cruz/20 Duhat St., Angeles, Pampanga/May naka-assign na po bang relocation site para sa amin?
  • I-send ang text sa 0922 110 1060
  • Matapos mag-send ng text, agad din kayong makatatanggap ng confirmation message.
  • Bisitahin ang www.nscr.com.ph gamit ang inyong cellphone o computer at i-click ang “May katanungan?” button sa screen.
  • Punan ang form ng mga detalyeng hinihingi. Siguraduhing mailalagay ang tamang phone number at e-mail address na hinihingi.
  • Pindutin ang “Ipasa ang inyong tanong o isyu.
  • Matapos ipasa ang web form ay agad din kayong makatatanggap ng confirmation message sa pamamagitan ng e-mail o text message.
Para mag-followup, i-click lamang ang link na makikita sa confirmation message na matatanggap sa e-mail o itext, o replyan ang text mula sa numerong nabanggit. Para sa iba pang mga katanungan, bisitahin ang www.nscr.com.ph/faq