Land Owner
Ikaw ba ay may-ari ng lupa sa lugar na apektado ng konstruksyon?
Maaari kayong makakuha ng kopya ng mga presentation materials sa pamamagitan ng pagtext sa 09221101060 o pagsumite ng katanungan sa https://nscr.com.ph/grievance. Ipadadala ang mga materials na ito sa pamamagitan ng e-mail.
Kayo po ay masasama sa opisyal na listahan kung:
- mayroong sticker tag number na nakadikit sa inyong bahay/istruktura;
- kayo po ay naninirahan sa lugar at na-interbyu noong panahon ng census at tagging na nangyari noong taong 2018-2019; at/o
- kayo po ang may-ari ng property.
Maaari rin po itong makumpirma sa housing office ng inyong city/municipal hall.
Ang mga pangunahing hakbang sa pagkuha ng lupa ay ang mga sumusunod:
- Pag-isyu sa inyo ng tinatawag na Notice of Taking (NoT) - isinasaad ng dokumentong ito na ang inyong pag-aaring property ay maapektuhan ng proyekto at dahil dito, planong itong bilhin ng gobyerno. Nakasaad din sa dokumentong ito ang mga requirements na kailangang ihanda para sa proseso. Pagkatapos maisyuhan ng NoT, anumang pagpapaganda sa property sa pamamagitan ng renovation o pagpapagawa ng iba pang karagdagan istruktura ay hindi mapapasama sa appraised value ng inyong property. Dahil dito, hindi namin inirerekomendang magsagawa ng mga improvements sa inyong pag-aaring lupa/bahay kapag nakatanggap na ng NoT.
- Pag-isyu ng Offer to Buy (OTB) - isinasaad ng dokumentong ito ang presyong iniaalok ng DOTr bilang kabayaran sa pagkuha ng inyong property. Mayroon kayong 30 araw para tanggapin ang offer sa pamamagitan ng pagsumite ng tinatawag na “return slip.”
- Para sa mga apektadong lupa kung saan may nakatayong bahay/istruktura at mga tanim, ang DOTr at may-ari ay pipirma sa tinatawag na Deed of Absolute Sale (DOAS) o DOAS with Permit to Enter (PTE), at ang Agreement to Demolish and Remove Improvement (ADRI). Ito ay magaganap lamang matapos ang pagtanggap ng may-ari sa offer ng DOTr at maberipika ng kinauukulan ang pagmamay-aring ng property. Matapos ang pirmahan ng DOAS o PTE at ADRI, maaari nang maiproseso ng DOTr ang kabayaran.
Nakasaad po sa inyong natanggap/matatanggap na “Notice of Taking” (NoT) ang mga dokumentong dapat ihanda at isumite sa loob ng 15 araw mula nang matanggap ang sulat. Ang mga dokumentong ito ay ang mga sumusunod:
- Photocopy ng “Owner's Copy of Certificate of Title”
- Certified True Copy ng titulo ng lupa mula sa Registry of Deeds
- Dalawang (2) valid government-issued IDs
- BIR Tax Identification Number (TIN)
- Certified True Copy ng pinakabagong Tax Declaration for Land mula sa Assessor's Office ng inyong city/municipal hall
- Certified True Copy ng Tax Declaration for Improvements o Certificate of Non-Improvement, kung anuman ang naangkop, mula sa Assessor's Office ng inyong city/municipal hall
-
Kung ang bahay/instruktura at/o anumang improvements ay hindi pag-aari ng may-ari ng lupa:
- Declaration of Non-Ownership of Structures and Improvements
- Waiver from the Landowner of rights over the structures and improvements
Kung kayo ay nasa opisyal na listahan, nakasaad po sa “Notice of Taking” (NoT) na inyong natanggap/matatanggap ang pangalan at contact information ng case handler na nakatalaga para sa inyo. Mangyari po lamang na makipag-ugnayan sa kanya ukol sa pagsusumite ng mga dokumento.
Maaaring abutin ng 3-6 na buwan ang kabuuang proseso. Nakasalalay ang bilis ng proseso sa mga sumusunod:
- Bilis ng pagsumite ng mga required documents
- Pagsumite ng mga wasto at valid na dokumento
Ang may-ari ng lupa ay may karapatang tumanggi sa “Offer to Buy,” gaya ng kung hindi s’ya nasiyahan sa presyong nakasaad. Kung mapagdedesisyunan ng may-ari ng lupang nais n’yang tanggihan ang “Offer to Buy,” dadaan s’ya sa isang prosesong tinatawag na, “Expropriation.” Sa Expropriation, ang hukuman ang magpapasya kung ano ang nararapat na kabayaran sa pinag-uusapang lupa.
Ilan sa mga maaaring dahilan nito ay ang mga sumusunod:
- May problema sa titulo
- Ang mga dokumento ay hindi madaling makuha sa Registry of Deeds
- Hindi nagbigay ng dokumento ang may-ari nang hiningan s’ya noong isinagawa ang survey
- Tumanggi ang may-aring makipag-ugnayan noong panahong isinagawa ang survey
Kami po ay makikipag-ugnayan lamang sa rehistradong may-ari ng lupa na s’yang nakasaad sa titulo.
Kailangan po ninyong dumaan sa prosesong tinatawag na, “Extra Judicial Settlement of Estate” (EJSE), kung saan ililipat ang titulo sa pangalan ng naiwang asawa, mga anak at/o mga tagapagmana.
Maaari pa rin pong maiproseso ang mga dokumento kahit kayo ay nasa ibang bansa. Ito po ay sa pamamagitan ng inyong authorized representative sa Pilipinas na s’yang pipirma sa at magsusumite ng mga dokumento. Ang inyong representative ay amin lamang kikilalanin kung s’ya ay mayroong “Special Power of Attorney” (SPA). Ang SPA po na kanyang hawak ay dapat na orihinal (kailangang ipadala mula sa inyong kinaroroonan sa pamamagitan ng courier services) at authenticated ng embahada o konsulado ng Pilipinas kung saan kayo ngayon naka-base.
Opo, maaari pong maglatag ng apela. Mangyari po lamang na makipag-ugnayan sa housing office ng inyong city/municipal hall o sa pamamagitan ng pagtext sa 09221101060 o pagsumite ng katanungan sa https://nscr.com.ph/grievance.
Ito po ay kasalukuyan pang pinag-uusapan ng DOTr, inyong lokal na pamahalaan at iba pang ahensya. Ipagbibigay-alam namin ito sa mga apektadong pamilya sa sandaling maging pinal na ang mga detalye. Sa ngayon po, para sa inyong kaalaman, ang mga sumusunod ang iba’t ibang opsyon sa paglipat bahay para sa mga may-ari ng lupa.
- Sariling paghahanap ng malilipatan (self-relocation) - kasama sa mga tulong na maaaring maibigay ay: (1) tulong pinansyal para sa halaga ng pangungupahan sa loob ng hanggang limang buwan; (2) kaunting halaga para sa pagpapakabit ng tubig at kuryente sa lilipatang bahay; (3) transportasyon sa paglipat; at (4) food allowance o kaunting grocery items para sa unang tatlong araw sa lilipatan.
- Pagbibigay ng assistance ng DOTr sa pagproseso ng pagkuha ng pabahay sa ilalim ng Pag-IBIG Fund (assisted resettlement) - maaaring magamit ang Pag-IBIG housing loan sa pagbili ng lupang hindi lalampas sa 1,000 square meters o bahay at lupa, townhouse o condominium unit. Kasama rin sa mga tulong na maaaring maibigay ay: (1) tulong pinansyal para sa halaga ng pangungupahan sa loob ng hanggang limang buwan; (2) kaunting halaga para sa pagpapakabit ng tubig at kuryente sa lilipatang bahay; (3) transportasyon sa paglipat; at (4) food allowance o kaunting grocery items para sa unang tatlong araw sa lilipatan.
Hindi po lahat ng demolisyong nagaganap sa inyong lugar ay para sa konstruksyon ng NSCR. Maaaring ang gibaan pong inyong naranasan/mararanasan ay dahil sa ibang aktibidad, gaya ng regular clearing operation na isinasagawa ng Philippine National Railways (PNR). Maaari po itong makumpirma sa inyong barangay. Kaugnay nito, tanging ang mga bahay na walang tagging at bagong tayo na nasasaklaw ng PNR “Right of Way” lamang ang maaaring gibain sa kasalukuyan.
Kami po sa DOTr ay nakikipag-ugnayan sa DPWH tungkol sa mga pamilyang apektado ng dalawang magkasabay na proyektong ito. Dahil ang DPWH project ay mas nauna sa NSCR construction ng DOTr, ang DPWH po ang ahensyang mag-aasikaso sa inyong kaso. Kami naman po sa DOTr ay sinisigurong maayos na dokumentado ang mga report na ganito upang mai-coordinate nang mas maayos sa aming mga kasamahan sa DPWH at upang matukoy kung anong mga entitlements pa ang maaaring maibigay ng DOTr sa mga apektado ng dalawang proyekto.
Ang programang ito ay bukas sa mga sumusunod na kategoryang naapektuhan/maaapektuhan ang kabuhayan dahil sa proyektong ito:
-
Business enterprise group
- Microbusiness (Group A) - maaaring ma-avail ng apektadong mamamayang nagmamay-ari ng fixed microbusiness, mayroon o wala mang permit mula sa lokal na pamahalaan; may hanggang PHP 3 milyong asset size at 1-9 na empleyado
- Small business (Group B) - maaaring ma-avail ng apektadong mamamayang nagmamay-ari ng small, medium o large business establishment at pagmamay-ari ang lupang kinatatayuan nito; may higit sa PHP 3 milyon hanggang PHP 15 milyon na asset size at 10-99 na empleyado
- Medium business (Group C) - maaaring ma-avail ng apektadong mamamayang nagmamay-ari ng medium o large business at nangungupahan sa apektadong lupa; may higit sa PHP 15 milyon hanggang PHP 100 milyon na asset size at 100-199 na empleyado
- Wage-based employed group (Group D) - maaaring ma-avail ng mga apektadong mamamayang mawawalan ng trabaho dahil sa pagsasara o pagpapaliiit ng operasyon ng pinagtatrabahuhang kumpanya dahil sa proyektong ito
-
Agriculture/aquaculture group
- Agricultural tenants (Group E) - maaaring ma-avail ng mga apektadong mamamayang nangungupahan sa lupang sakahan/taniman
- Owners of farming lots (Group F) - maaaring ma-avail ng mga apektadong mamamayang may-ari/nagpapaupa ng lupang sakahan/taniman, at nagsasaka rin o nagtatanim sa lupa
Para sa iba pang katanungan tungkol sa NSCR Project, bisitahin ang www.nscr.com.ph/faq