Renter/Sharer
Ikaw ba ay naninirahan sa apektadong lugar ngunit hindi mo pagmamay-ari ang lupa?
PARA SA MGA NANGUNGUPAHAN AT/O MAY KASAMANG IBANG TAO/PAMILYA SA BAHAY/ISTRUKTURA (renters and sharers)
Maaari kayong makakuha ng kopya ng mga presentation materials sa pamamagitan ng pagtext sa 09221101060 o pagsumite ng katanungan sa https://nscr.com.ph/grievance. Ipadadala ang mga materials na ito sa pamamagitan ng e-mail.
Kayo po ay masasama sa opisyal na listahan kung:
- mayroong sticker tag number na nakadikit sa inyong bahay/istruktura;
- kayo po ay naninirahan sa lugar at na-interbyu noong panahon ng census at tagging na nangyari noong taong 2018-2019; at/o
- kayo po ang may-ari ng property.
Maaari rin po itong makumpirma sa housing office ng inyong city/municipal hall.
Ibig pong sabihin nito ay hindi pa kayo dumadaan sa activity na tinatawag na, “Socio-Economic Survey.” Mangyari po lamang na hintayin ang abiso kung kailan ito magaganap.
Kung ang inyong property ay hindi sakop ng “Project Right of Way” (PROW) o mga lugar na madadaanan ng proyekto, ito ay hindi mapapasama sa tagging.
Ikinalulungkot po naming hindi po. Kung sino po ang aktuwal na nakatira sa pinag-uusapang bahay/istruktura at na-interbyu noong nagsagawa ng census at tagging, siya po ang nakalagay sa opisyal na listahan.
Hindi po lahat ng demolisyong nagaganap sa inyong lugar ay para sa konstruksyon ng NSCR. Maaaring ang gibaan pong inyong naranasan/mararanasan ay dahil sa ibang aktibidad, gaya ng regular clearing operation na isinasagawa ng Philippine National Railways (PNR). Maaari po itong makumpirma sa inyong barangay. Kaugnay nito, tanging ang mga bahay na walang tagging at bagong tayo na nasasaklaw ng PNR “Right of Way” lamang ang maaaring gibain sa kasalukuyan.
Kami po sa DOTr ay nakikipag-ugnayan sa DPWH tungkol sa mga pamilyang apektado ng dalawang magkasabay na proyektong ito. Dahil ang DPWH project ay mas nauna sa NSCR construction ng DOTr, ang DPWH po ang ahensyang mag-aasikaso sa inyong kaso. Kami naman po sa DOTr ay sinisigurong maayos na dokumentado ang mga report na ganito upang mai-coordinate nang mas maayos sa aming mga kasamahan sa DPWH at upang matukoy kung anong mga entitlements pa ang maaaring maibigay ng DOTr sa mga apektado ng dalawang proyekto.
Maaari pa rin po ninyong matanggap ang mga benepisyo at entitlements bilang renter ng apektadong bahay/istruktura kung ang inyo pong pangalan ay kasama na sa opisyal na listahan na ng mga apektado.
Hindi pa po pinal ang listahan. Patuloy po namin itong nirereview at nagsasagawa kami ng hiwalay na aktibidad para sa mga hindi kasama sa inisyal na listahan.
Opo, maaari pong maglatag ng apela. Mangyari po lamang na makipag-ugnayan sa housing office ng inyong city/municipal hall o sa pamamagitan ng pagtext sa 09221101060 o pagsumite ng katanungan sa https://nscr.com.ph/grievance.
Ang programang ito ay bukas sa mga sumusunod na kategoryang naapektuhan/maaapektuhan ang kabuhayan dahil sa proyektong ito:
-
Business enterprise group
- Microbusiness (Group A) - maaaring ma-avail ng apektadong mamamayang nagmamay-ari ng fixed microbusiness, mayroon o wala mang permit mula sa lokal na pamahalaan; may hanggang PHP 3 milyong asset size at 1-9 na empleyado
- Small business (Group B) - maaaring ma-avail ng apektadong mamamayang nagmamay-ari ng small, medium o large business establishment at pagmamay-ari ang lupang kinatatayuan nito; may higit sa PHP 3 milyon hanggang PHP 15 milyon na asset size at 10-99 na empleyado
- Medium business (Group C) - maaaring ma-avail ng apektadong mamamayang nagmamay-ari ng medium o large business at nangungupahan sa apektadong lupa; may higit sa PHP 15 milyon hanggang PHP 100 milyon na asset size at 100-199 na empleyado
- Wage-based employed group (Group D) - maaaring ma-avail ng mga apektadong mamamayang mawawalan ng trabaho dahil sa pagsasara o pagpapaliiit ng operasyon ng pinagtatrabahuhang kumpanya dahil sa proyektong ito
-
Agriculture/aquaculture group
- Agricultural tenants (Group E) - maaaring ma-avail ng mga apektadong mamamayang nangungupahan sa lupang sakahan/taniman
- Owners of farming lots (Group F) - maaaring ma-avail ng mga apektadong mamamayang may-ari/nagpapaupa ng lupang sakahan/taniman, at nagsasaka rin o nagtatanim sa lupa
Para sa iba pang katanungan tungkol sa NSCR Project, bisitahin ang www.nscr.com.ph/faq